NILOKO MO AKO''

''NILOKO MO AKO''
by;fJ mARANTAL{Tagalog spoken Words University Cavite}

Mahal kamusta na?
naalala mo pa ba ako? ako yung lalaking pinaasa mo!
ako yung lalaking niloko mo!
Pinag laruan, at pinaikot ikot sa mga palad mo!
Naalala mo na?

Alam mo, hanga ako sayo. hindi ko manlang namalayan ang mga balak mo!
hindi ko manlang naramdaman ang planu mo.
''TALO AKO'' sa mga laro mo.
dahil nag seryoso ako!
minahal ko ang isang katulad mo, na manloloko!
walang pakialam sa nararamdaman ko.
at hanggang sa huli ay iniwan mo ako nang mag isa!
iniwan mo ang mga katanungan na hanggang ngayun, walang kasagutan!
kahit mali, landas mo ay aking sinundan.
''HINANAP KITA!''
Nandyan ka pala.... kasama siya!
masaya ka sa piling nang iba, at ako ay kinalimutan mo na!
Nakalimutan mo na kung paanu kita napapasaya.
nakalimutan mo na ang mga ''PANGAKO MO''
ang lahat nang ito ay nag laho,
hindi ko alam ang totoo, kung ganyan ka ba talaga? o sadyang may nag bago?
Paanu pa ako susugal, kung una palang pinag laruan mo na ako?
Paanu pa ako lalaban kung sayo ay talo ako?
Paanu ako mag sisimula, kung ikaw lang ang nais kong makita?
Paanu ako, Mag mamahal ng iba, kung sa puso ko ay naroon ka pa?
Paanu ko ba yayakapin ang hinaharap ko!
kung nananatili ako sa kahapon mo?
''ANG DAYA MO! ANG DAYA DAYA MO''
bakit mo ako niloko, matapos mong sirain ang buhay ko.
iiwan mo ako nang mag isa, sa mundong pininsala mo nang husto!
Sana ay masaya ka sa ginawa mo.
Sana ay wag bumaliktad ang mundomh ito.
ang nang yari sakin ay wag sanang mangyari sayo!
kung sakali mang' maramdaman mo ang'' saktan at lokohin''
gusto kong malaman mo na, ganyan ang dinanas ko,
noong mga panahong iniwan mo ako nang wala manlang paalam!
iniwan nang walang dahilan.



                                                                         Mula sa panunulat ni;
                                                              Fj Marantal

Comments

Popular posts from this blog

Unang Tula